Dalawang senior citizen, sugatan matapos maaksidente ang sinasakyang van sa Pasig City

57

Sugatan ang dalawang nakakatanda matapos maaksidente ang sinasakyang van sa C. Reymundo kanto ng Mercedes Avenue, Pasig City.

Hindi muna pinangalanan ang dalawang senior citizen na biktima na pawang iniinda ang masakit na ulo.


Nabatid na binabaybay ng kulay green na van ang South Bound Lane ng C. Reymundo ng mawalan ng kontrol ang driver sa manibela at bumangga ito sa center island.

Wasak ang kaliwang bahagi ng sasakyan habang sa ulo ang pinsala ng driver at duguan ang ulo ng sakay nito sa kaliwang bahagi na 66 yrs old na babae.

Agad naman dumating ang Pasig City rescue upang tulungan ang mga biktima.

Facebook Comments