Kai Sotto, handang-handa na sa pagsabak sa NBA G League sa susunod na buwan

65

Handang-handa na si Filipino Prospect Kai Sotto sa kanyang pagsabak sa NBA G League sa susunod na buwan.

Kabilang si Kai sa Ignite Team na pinamumunuan ni head coach Brian Shaw kung saan aarangkada ang liga sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Disney World malapit sa Orlando.


Makakasama rin ni Kai sa Ignite sina Jalen Green, Jonathan Kuminga, Isaiah Todd, Daishen Nix at Princepal Singh.

Makakatuwang din sa koponan ang ilang NBA at NBA G League veterans na sina Amir Johnson, Reggie Hearn, Brandon Ashley, Cody Demps at Bobby Brown.

Facebook Comments