
Naaresto ang dalawang hinihinalang SLI (Street-Level Individual) sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Dagupan City, Pangasinan kaninang madaling araw, Marso 18, 2026.
Unang nadakip ang 43-anyos na vendor bandang 1:05 ng umaga malapit sa Tambac Elementary School.
Sa isinagawang operasyon ng DCPO Police Station 3 katuwang ang iba pang yunit ng pulisya at PDEA RO1, narekober ang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱10,200, buy-bust money at boodle money sa suspek.
Makalipas ang ilang oras, timbog din ang 30-anyos na photographer sa isa pang buy-bust operation sa lungsod.
Sa pangunguna naman ng Station 1 DCPO kasama ang parehong katuwang na yunit, narekober ang 1.8 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱12,240, kasama ang buy-bust money at boodle money.
Parehong nakumpiska ang mga ilegal na droga at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang dalawang SLI habang isinasagawa ang karampatang legal na proseso.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










