Manila, Philippines – Nagsagawa ng puspusang rescue operation ang mga tauhan ng Manila Social Welfare Dept. kung saan dalawang street dwellers ang nakuhanan ng drug parapernallas sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Social Welfare Dept. Head Nanet Tanyag nais nilang matiyak na walang mangyayaring disgrasya sa mga palaboy sa Lungsod kayat sinuyod nila ang kahabaan ng Roxas Blvd Service Road., Baywalk,T.M Kalaw at Vito Cruz kung saan maraming mga palaboy at mga galing sa ibat ibang Probinsiya ang natutulog sa naturang mga lugar.
Paliwanag ni Tanyag magalang naman ang kanilang pagtrato sa street dwellers o mga palaboy pero mayroong isang babae na nagwala at ayaw sumama pero sa pakiusap nila ay sumama rin sa kanila.
Dinala ang mga narescue kabilang ang dalawang streer dwellers na hindi muna pinangalanan kung saan todo tanggi sa mga pulis at mga tauhan ng Manila Social Welfare Dept na sa kanila ang nakumpiskang drug parapernallas.
Sasailalim sa proseso ang mga na-rescue at kukuhanan ng mga personal data at kapag napatunayang mayroong criminal records iimbestigahan ng pulisya.