Dalawang sundalo, patay; dalawang iba pa, sugatan sa pananambang sa San Jose, Occidental Mindoro kahapon

Nasawi ang dalawang sundalo habang sugatan naman ang dalawang iba sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nangyari sa Brgy. Batasan, San Jose, Occidental Mindoro kahapon.

Sa ulat mula sa Southern Luzon Command, sakay ng itim na SUV ang mga sundalo na papunta sana sa Naibutan Patrol Base para mag-inpeksyon sa pamamahagi ng subsistence allowance sa mga active auxiliary nang bigla silang paputukan.

Isa sa nasawi ay may ranggong Sergeant, ang isa naman ay may ranggong Corporal.


Agad namang dinala sa District Hospital sa San Jose ang dalawang sugatan na patuloy pang nagpapagaling.

Tinangay naman ng mga suspek ang pera na dala ng mga sundalo.

Sa ngayon, naka-alerto na ang lahat ng patrol base sa lalawigan at tinutugis ang mga hinihinalang NPA.

Facebook Comments