Dalawang sundalong Pinoy na nagtapos sa National Defense Academy of Japan, nanumpa sa Philippine Embassy

Pormal nang nanumpa sa Philippine Embassy sa Tokyo ang dalawamg sundalong Pinoy na nagtapos sa National Defense Academy of Japan.

Ito ay sa katauhan nina 2nd Lieutenants (2LTs) Carlo Kyle Putan and Brian Adam Chagas, na kapwa Junior Officers ng Philippine Air Force (PAF).

Bahagi ito ng taunang full scholarship na binibigay ng Japanese Government sa dalawang kadete mula sa Philippine Military Academy (PMA).


Kabilang sa nakapaloob sa scholarship program ang isang taong Nihongo o Japanese language at sinusundan ng apat na taong undergraduate na pag-aaral sa science and engineering.

Facebook Comments