Dalawang suspek na tumumbok sa Pitong kabataan na ikinasawi ng Isa, Sumailalim na sa Inquest Proceedings!

*Cauayan City, Isabela- *Nakapiit pa rin sa PNP Cauayan City ang dalawang suspek na sina Aaron Christian Reyes at Hugiebert Moico na nang-araro sa pitong kabataan kamakailan na ikinasawi ng isa.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Esem Galiza, ang Police Community Relation Officer ng PNP Cauayan City na tapos nang sumailalim sa inquest proceedings ang dalawang suspek at wala pa umanong utos ang korte na maaari na silang palabasin subalit malaya umano ang mga ito na mag-apply ng kanilang petition for bail.

Dagdag pa niya, nabigyan na rin umano sila ng subpoena ng korte na sa loob ng sampung araw ay dapat makapagsumite na ang mga ito ng kanilang counter affidavit upang malutas na ang kanilang kaso.


Kaugnay nito ay hindi rin umano nagpapaunlak sa anumang panayam ang dalawang suspek kaya’t hindi makuhanan ng kanilang pahayag.

Matatandaan na noong madaling araw ng ika-dalawampu’t apat ng Agosto ay nagkaroon ng rambulan sa isang lugawan ang grupo ng nasawing si Jake Anthony Macadangdang sa dalawang suspek na nauwi sa sagasaan sa brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Facebook Comments