Dalawang suspek sa kasong estafa at large scale illegal recruitment, arestado ng NBI

Arestado ng NBI ang dalawang suspek sa kasong estafa at large scale illegal recruitment.

Kinilala ang mga suspek na sina Irmalyn Melodias-Torres at pamangkin nitong si Gerald Melodias.

Sila ay inaresto ng NBI base sa warrant of arrest na pinalabas ng korte mula sa Puerto Princesa, Palawan.


Nakipag-ugnayan din ang US Embassy sa NBI para madakip sina Torres at Melodias.

Sila ay nakakulong ngayon sa NBI Detention Facility habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.

Facebook Comments