DFA at DND ukol sa Recto Bank Incident, dapat magbigay ng breifing sa Senado ukol sa Recto Bank incident

Iginiit ni Senator Richard Gordon sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs o DFA at Department of National Defense o DND na magbigay ng briefing sa Senado.

Kaugnay ito sa usapin kaugnay sa Foreign Policy at National Security ng ating bansa.

Mungkahi ito ni Gordon matapos ang incidente sa Recto Bank kung saan nabangga ng Chinese Vessel ang Filipino fishing boat at inabandona ang mga mangingisda na sakay nito.


Paliwanag ni Gordon, mahalaga na alam ng mga Senador ang mga mahahalagang impormasyon na may kinalaman sa pambansang intres.

Sabi ni Gordon, makabubuting isagawa ang briefing bago ang magbukas ang 18th Congress at layunin din nito na magabayan sila sa pagbibigay ng pahayag sa publiko.

Facebook Comments