Dalawang Suspek sa Panghuhuthot, Natimbog!

15

*Cauayan City, Isabela-* Hawak na ng PNP Cauayan City ang dalawang suspek na Wanted sa batas sa Kasong Swindling o Panghuhuthot matapos madakip ng kapulisan kahapon sa barangay Maligaya, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Melesia Abat, animnapu’t anim na taong gulang at si Emeterio Abat, tatlumpu’t walong taong gulang, magsasaka at pawang mga residente ng nasabing barangay.

Nadakip ng kapulisan sina Melesia at Emeterio sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Mary Jane Socan Soriano ng MTCC Cauayan City, Isabela dahil sa kanilang nakabinbin na kasong Swindling.

Sila ay pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang dalawang libong piso.

Facebook Comments