Isang Barangay sa Bayan ng Quirino, Isabela, Nalinis na sa Droga!

30

*Quirino, Isabela-* Nalinis na sa iligal na droga ang barangay Manaoag ng bayan ng Quirino, Isabela bilang pangpito sa dalawampu’t isang barangay na nasasakupan nito na apektado ng droga.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Rostum Ortiguero, ang hepe ng PNP Quirino, pang pito ang Brgy. Manaoag na naideklara bilang Drug Cleared habang nauna namang naideklara bilang Drug Free ang anim na barangay na sakop ng nasabing bayan.

Aniya, isang drug personality lamang umano ang sumuko at sangkot sa droga sa naturang barangay kaya’t agad umano itong nalinis sa droga habang ang natitira pang ibang mga barangay ay kasalukuyan pa rin ang kanilang pagproseso sa kanilang mga dokumento upang maideklara narin bilang Drug Cleared.

Ayon pa sa hepe, Target umano nila na maideklara lahat ang mga natitirang barangay bilang Drug Cleared at Drug Free ngayong taon.

Samantala, matapos ang pagkahuli ng ilang drug personalities kamakailan ay wala na umano silang nahuhuling sangkot sa iligal na droga subalit tuloy pa rin umano ang kanilang isinasagawang kampanya kontra droga.

Facebook Comments