Dalawang suspek, tiklo sa ₱3.4-M halaga ng shabu sa Makati City

Nasabat ng mga otoridad sa lungsod ng Makati ang ₱3.4 milyong halaga ng shabu.

Huli sa buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa M. H. del Pilar St. Barangay Rizal ang mga suspek na sina Jonathan Torres, isang online seller, at Baldwin Acebo, isang vendor.

Iniimbestigahan din ngayon ng mga otoridad kung may kinalaman o nagagamit ba sa online business ni Acebo ang illegal drug trade na kinasangkutan nito.


Muli namang umapela ang PDEA sa publiko na tumulong sa pagre-report ng mga illegal drug activities sa kanilang lugar sa pamamagitan ng pagte-text o kaya ay pagtawag sa kanilang hotline, o kaya ay pagpapadala ng mensahe sa mismong Facebook account ni PDEA Director-General Wilkins Villanueva.

Facebook Comments