Manila, Philippines – Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang ikinamatay ni Kian Delos Santos.
Ito ang resulta ng isinagawang autopsy ng PNP Crime Laboratory.
Ayon kay Dra. Jane Monzon, ang medico legal officer ng PNP Crim Lab, unang bala ay tumama sa kaliwang tainga ni Kian habang ang isang bala ay tumama sa likuran ng tainga ni Kian.
Lumabas ang dalawang bala o entry point sa kanang bahagi ng ulo.
Ang resultang ito iba sa autopsy na ginawang autopsy ng Public Attorney’s Office forensic na tatlong bala ng baril ang ikinamatay ni Kian, dalawa sa ulo at isa ibabang parte ng katawan.
Ayon pa kay Dra. Monzon, 60 centimeter ang layo ng baril ng iputok ito sa katawan ng biktima.
Hindi raw ito malapitan ayon kay Dra. Mozon dahil walang sugat ang biktima mula sa dulo ng baril.
Ang resulta ng autopsy ay isusumite ng PNP crime lab sa gagawing hearing ng Senado bukas kaugnay sa pagkamatay ni Kian Delos Santos.