Isang babae, tinambangan sa Las Piñas City

1972

Las Piñas City – Tinitignan na ng pulisya kung mayroong mga CCTV camera ang nakahagip sa plaka ng motorsiklong ginamit sa pananambang sa isang Rachel Fajardo Rivera, 32 anyos, sa kahabaan ng Naga Road, Pulang Lupa, Las Piñas City.

Ayon kay Pssupt. Marion Balonglong, hepe ng Las Piñas police, tinambangan ng riding in tandem ang minamaneho nitong Toyota Vios alas dos kinse ngayong hapon kung saan nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima.

Nakarekober ang pulisya ng mga empty shells mula sa hindi pa tukoy na kalibre ng baril sa loob ng sasakyan nito.


Sa kasalukuyan, blangko pa ang mga mga awtoridad sa posibleng motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments