Dalawang Taon na Dagdag sa Kontrata ng may Mahigit sa 100 Vendors sa Palengke ng Cauayan, Aprubado na

*Cauayan City, Isabela*- Aprubado na sa konseho at sa pamunuan ng Primark sa Lungsod ng Cauayanna magdagdag ng dalawang taon na palugit sa may 161 na apektadong vendors sa pagbabayad ng kanilang kontrata sa taong 2021.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Councilor Egay Atienza, naging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap sa pagitan ng mga tindera at pamunuan ng Primark kung saan aprubado na sa limang taon ang babayarang Joining Fee ng mga old tenants.

Dahil sa dagdag na dalawang taon na palugit ng mga vendors sa pagbabayad ng kanilang kontrata ay 2021 na ang kanilang due date.


Ayon pa kay City Councilor Atineza,mayroon din naming karagdagang pang anim na buwan na palugit pagkaraan ng limang taong kontrata ng mga ito.

Maliban dito, tatalakayin din sa konseho ang ilan pang problema na kinakaharap ng mga mamimili gaya ng mga nagkalat na basura at paggamit ng pampublikong palikuran na binabayaran.

Magsasagawa din aniya ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan sa mga lansangan na nasasakupan ng nasabing pamilihan na ginagawang Parking Area ng ilang mga motorista.

Facebook Comments