Priscilla Almeda itinangging homewrecker siya: I entered the picture, wala na sila

3968
CONTRIBUTED PHOTO

Pumalag ang aktres na si Priscilla Almeda sa paratang ng ilang netizens na umano’y homewrecker siya matapos makipagbalikan sa aktor na si Jomari Yllana.

Batay sa ulat ng entertainment news portal na PEP.ph, masama ang loob ng dating sexy actress sa mga paninirang lumalabas.


“Ang sama ng mga comments, iniisip nila homewrecker ako. Hindi naman kasal si Jom at Joy.”

Dating kinakasama ni Yllana, kung saan may dalawa itong anak, ang tinutukoy ni Almeda sa nasabing panayam.

Paglilinaw pa niya, single si Jomari nang pumasok siya eksena. Naghiwalay raw ang dalawa noon pang 2018.

“I’m not a homewrecker because there wasn’t a home to wreck. There wasn’t a home to wreck because they were separated na,” giit ng celebrity.

May mensahe din si Priscilla sa bashers nila ng nobyong aktor.

“Everybody is entitled to their own opinion. But if you look at the facts, kami ni Jomari, we’re very much single, na puwede kaming magiging together. And his responsibilities with his kids, ginagampanan naman niya.”

Facebook Comments

From Advertisers