Dalawang taong Gulang na bata patay matapos masagasaan ng Van sa Dagupan City

38

Labis ang hinagpis ng Pamilya Ocampo lalo na ang Ina ng batang nasagasaan ng Hyundai Porter Van sa siyudad ng Dagupan.
Patay ang dalawang taon at siyam na gulang na si Leemer Jazz Ruiz Ocampo residente ng Intramuros Street Brgy. I ng lungsod. Ayon sa drayber ng Van hindi umano nito napansin ang bata kaya agad agad na nagmaniobra ito sa umbok ng lupa ngunit sa kasamaang palad naroon ang biktima kasama ang dalawa pa nitong kalaro ngunit agad na nakatakbo at naiwasan ang sasakyan. Kinilala ang drayber ng Van na si Jobert Kalano Domingo residente ng Binmaley Pangasinan.
Agad na itinakbo ng drayber ang bata sa Nazareth Hospital ngunit idineklara ng Dead On Arrival.
Sa ngayon si Kalano at ang van ay nasa kustodiya ng Dagupan City PNP at inihahanda na ang kaso na isasampa rito. [image: PNP.jpg]

Facebook Comments

From Advertisers