Dalawang teduray dinukot diumano ng BIFF sa Maguindanao

Anim katao ang dinukot kahapon ng ilang armadong kalalakihan sa sitio makon Datu Unsay Maguindanao, ayon kay Jovel Tenorio naglalakad lamang ang anim papunta sa kanilang sakahan na mag ani sana ng Mani ng harangin ng armadong kalalakihan.
Maswerteng nakatakas ang apat katao habang dalawa naman ang minalas na nadala ng mga BIFF na kinilala ang mga natangay na magkapatid na sina Kung Mentos at King Mentos..Labis umanong nag-alala ang mga kamag anak ng magkapatid na baka pinaslang na ng mga armado ang dalawang dinukot.Sa ngayon ay wala silang inpormasyon kung saan dinala ang dalawang binihag.
Samantala itinanggi naman ni Abu Misry Mama ang spokesman ng BIFF Commander Bongos faction na meron silang dinukot na katutubo sa sitio Macon, sa panayam sa kanya ng RMN, mga cafgu lamang daw ang kanilang target sa lugar, at hindi kasama ang mga teduray sa kanilang target ng harassment.. Sinabi pa ni abu misry na kanilang pinaalis lang daw ang mga katutubo sa lugar dahil inatake nila ang mga cafgu sa lugar.
Nanawagan naman sa mga kinauukulan particular sa army at pnp si pastor mented na sana ay malagyan ng detachment ng sundalo ang sitio macon barangay Iginagampong upang maiwasan ang harassment sa mga civilian katutubong naninirahan sa bundok.

Facebook Comments