Dalawang Top Most Wanted sa Calayan Cagayan, Timbog sa Kamay ng Kapulisan!

Calayan, Cagayan – Arestado kahapon ang numero uno at pang-siyam na most wanted sa Sitio Mambit, Brgy. Balatubat Calayan, Cagayan.

Unang nahuli ang number 1 top most wanted person na si Robert Contillo, tatlumpu’t anim na taong gulang, residente ng Brgy. Poblacion, Calayan, Cagayan dahil sa kasong panggagahasa.

Samantalang timbog ang pang-siyam Municipal level wanted person na si Marlyn Tan, apatnapu’t taong gulang, nakatira sa Brgy. Centro 2, Calayan dahil sa kasong estafa.


Ang pagkakahuli ng dalawa ay sa bisa ng kanilang mga warrant of arrest na ipinalabas ng korte at sila ay nakapiit na sa PNP Calayan.

Facebook Comments