Pinakabagong Tulak ng Droga sa Santiago City, Arestado sa Buy Bust!

Santiago City, Isabela – Nasa kamay na ng kapulisan kagabi ang isang pinakabagong tulak ng droga sa Santiago City makaraang ikinasa ng kapulisan ang drug buy bust operation sa Purok dos, Brgy. Rizal, Santiago City.

Kinilala ang tulak ng marijuana na si Christopher Tolentino, dalawampu’t dalawang taong gulang, may asawa at nakatira sa nabanggit na lugar.

Naaktuhang nagbenta ng marijuana na nakabalot sa isang papel ang suspek sa nagpanggap na buyer na isang opisyal ng pulis.


Nakuha ang limang daang piso bilang marked money mula kay Tolentino at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Ang matagumpay na operasyon ay dahil sa pinagsanib pwersa ng Santiago Police Station 1, Santiago Drug Enforcement Unit, Regional Drug Enforcement Unit at PDEA Region 2.

Facebook Comments