Dalawang Tsuper sa San Pablo, Arestado sa Iligal na Sugal!

31

San Pablo, Isabela- Arestado ang Dalawang tsuper matapos magsagawa ang pinagsanib pwersang PNP San Pablo at Isabela Police Provincial Office ng operasyon kontra Iligal na sugal kanina dakong alas kwatro, Abril Kinse, Dos Mil Disi Otso.

Kinilala ang mga suspek na sina Allan Dabo, trentay otso anyos, walang asawa, at si Ciano Rodriguez, kwarentay uno anyos, pawang mga traysikel drayber at residente ng Brgy. Calamagui, San Pablo Isabela.

Sa impormasyong Ibinahagi ng PNP San Pablo sa RMN Cauayan News Team, nadakip ang dalawang tsuper matapos mahuli ang mga ito sa paglalaro ng Majong habang ang dalawa pang suspek na kasama ng mga ito naman ay kumaripas ng takbo para makatakas.

Samantala, Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang ginamit na Majong Tiles, Majong Table at pera na nagkakahalaga ng 1, 810 pesos.

Agad namang Dinala ang dalawa sa himpilan ng pulisya para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments