Dalawang Kalalakihang nasa DI List, Arestado sa Buy Bust Operation!

57

Cabagan, Isabela- Timbog ang dalawang kalalakihang nasa Drug Identified watch list matapos magsagawa ng Drug Buy Bust Operation ang pinagsanib pwersang PNP Cabagan at PIB-Isabela Police Provincial Office at PDEA kanina dakong alas singko ng hapon, Abril Kinse, Dos Mil Disi Otso.

Kinilala ang dalawang suspek na si Cris Reyes, Trenta anyos, at Marcial Reyes, walang asawa at mga pawang residente ng Brgy. Magassi, Cabagan Isabela.

Sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan News Team, Nadakip ang dalawa matapos bentahan ng mga ito ang isang agent na nagpanggap bilang buyer ng ipinagbabawal na shabu.

Samantala, Nakuha naman mula sa kanilang pag-iingat ang isang sachet ng shabu at limang daang piso na ginamit bilang Buy Bust Money.

Napag-alaman pa na ang dalawang suspek ay kasama umano sa listahan ng mga Drug Identified.

Agad namang dinala ang dalawa sa himpilan ng PNP Cabagan Para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments