Dalawang Tulak ng Droga, Natimbog sa Buy Bust!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Tuluyan ng nasampahan ng kasong Paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang isang tulak ng droga at isa pang indibidwal matapos matimbog sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad dito sa lambak ng Cagayan.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang mga nadakip na sina Christian Mark Barnal alyas “Nognog”*,* bente tres anyos, walang asawa, at residente ng Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela at si Marvin Antonio, trentay dos anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Piot Carangglan, Nueva Ecija.

Si Barnal ay naaresto matapos mahulog sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP Alicia katuwang ang Provincial Intelligence Branch kung saan nakuha mula sa pag-iingat ni Barnal ang isang sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre trentay otsong baril at isang libong pisong marked money.


Samantala, nadakip rin ng Aurora Police Station si Antonio matapos maaktuhan na nagbebenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagpanggap bumili at nakuha mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at limang daang piso bilang buy bust money.

Hawak na ng kapulisan ang dalawang suspek na mahaharap sa kanilang kaukulang kaso.

Facebook Comments