Fire Safety Month sa mga Paaralan, Sinimulan na ng BFP Cauayan!

Cauayan City, Isabela- Tuloy pa rin ang isinasagawang inspeksyon ng BFP Cauayan sa mga paaralan at boarding houses kaugnay sa kanilang programang School Opening Fire Safety Month.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Senior Fire Officer 2 Edmund Lorenzo, ang Chief Operation ng BFP Cauayan kung saan parte ito ng kanilang programa na suriin ang mga paaralan at boarding houses dito sa lungsod ng Cauayan.

Inihayag rin ni Senior Fire Officer 2 Lorenzo na tuloy lamang ang kanilang pagbuo ng Barangay Fire Brigade kung saan nauna nang nabuo rito ang Brgy. ng Marabulig 1 na kanila ring isasabak sa gaganaping Regional Fire Olympic Games nitong huling linggo ng buwan ng Hunyo.


Aniya, dadagdagan pa umano nila ang mga boluntaryo ng Barangay Fire Brigade kung saan malaking tulong umano ito sa pagresponde kung sakaling magkaroon ng sakuna.

Nanawagan din sa publiko si Senior Fire Officer Lorenzo na maging alerto at makiisa sa pagsugpo ng sunog at itawag agad sa kanilang himpilan kung mayroon mang nagaganap na sunog sa lugar na nasasakupan upang agad rin na marespondehan kung kinakailangan.

Facebook Comments