Dalawang Tulak ng Marijuana, Timbog sa Buy Bust!

City of Ilagan, Isabela – Hindi nakaligtas ang dalawang lalaki matapos na mahulog sa kamay ng kapulisan sa ikinasang buy bust operation, pasado alas dyes kagabi sa Barangay Bliss village, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, kinilala ang dalawang suspek na sina Robin Mangunay, 26 taong gulang, walang asawa at si Rosemark Kevin Corpuz, 26 taong gulang, walang asawa at pawang mga residente ng Barangay Bliss Village, City of Ilagan.

Nakuha kina Mangunay at Corpuz ang isang piraso ng folded paper na naglalaman ng tuyong dahoon na pinaniniwalaang marijuana na ginamit sa buy bust at halaga ng pera na tatlong piraso ng tig isang daang piso bilang marked money.


Kabilang din na nakuha sa mga suspek ang isang cellphone at isang folded paper na hinihinalang marijuana mula sa motorsiklo ni Corpuz.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ng City of Ilagan Police Station ang dalawa para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments