PARTIDO PULITIKAL | Sara Duterte, dumalo sa pagdinig ng COMELEC

Manila, Philippines – Dumating sa Commission on Elections (COMELEC) si Davao City Mayor Sara Duterte para dumalo sa pagdinig ng ipinarerehistro nilang regional political party.

Ito ay ang Hugpong ng Pagbabago na ang petition for registration ay idinaos sa First Division ng COMELEC.

Sa panayam ng media pagkatapos ng pagdinig, pabirong sinagot ng alkalde ang tanong kung siya ba ay bukas na kumandidato muli.


Sagot ng alkalde, posibleng tumakbo siya sa pagka-bise presidente pero maagap din niyang sinabi na iyon ay biro lamang.

Bagamat siya naman ay bukas na kumandidatong muli, sinabi ng presidential daughter na nakadepende ang kanyang magiging desisyon sa pondo ,tsansa na siya ay manalo at kung sino ang kanyang makakalaban.

Ipinauubaya na rin daw ng kanilang ama sa kanilang pagpapasya kung sila ba ay tatakbong sa 2019 elections.

Facebook Comments