DALAWANG VINTAGE BOMB NAHUKAY SA DAGUPAN CITY

Laking-gulat ng isang lalaki matapos mahukay ang dalawang vintage bomb sa lungsod ng Dagupan.

Natuklasan ito pasado alas tres ng hapon sa barangay Bonuan Binloc kung saan ay nakita ito ng isang Lodrigo Pedronio.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, naghuhukay ng basurahan si Pedronio ng makita nito ang dalawang bala ng isang ginagamit na pambomba na hindi sumabog.


Dito na agad ipinagbigay alam sa PNP ang insidente kung saan ay initurn over agad ito sa explosives and ordinance division ng PNP.

Facebook Comments