Dalawang Waitress sa Echague Isabela, Muling Naaresto!

Echague, Isabela – Naaresto ang dalawang waitress sa Barangay Batal, Santiago City  dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Ayon kay PO2 Henzel Dela Cruz, investigator ng San Manuel Police Station na kinilala ang dalawang akusado na sina Mia Martin, bente kwatro anyos at si Gemma Ortiz, bente uno anyos, pawang mga waitress, walang asawa at mga residente ng Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Kaugnay nito, ang kaso nina Martin at Ortiz ay ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Echague Isabela at may inirekomendang piyansa na tatlong libong piso para sa kanilang pansamantalang kalayaan.


Samantala una nang nahuli ang dawalang akusado dahil sa paggamit ng droga at nakapagpiyansa ngunit muling nahuli matapos na lumabas ang warrant of arrest sa mga ito kung saan ay nasa kustodiya na ng BJMP Echague, Isabela.

Facebook Comments