IDOL! | 11 years old na batang lalaki, nagtapos na sa kanyang kolehiyo

Florida – Nagtapos na sa kolehiyo ang 11-anyos na si William Maillis sa St. Petersburg College sa Florida noong Hulyo 21.

Kinakitaan ng talino sa matematika si William noong siya ay dalawang taon pa lamang.

Inaasam ni William na maging astrophysicist at patunayang mayroong Diyos sa pamamagitan ng siyensiya.


Sa ngayon ay planong ituloy ni William ang kanyang pag-aaral sa University of South Florida na magsisimula sa susunod na buwan.

Isa sa layunin ni William ay makatapos sa kanyang doctorate degree sa edad na 18.

Facebook Comments