Dalawang Wanted, Arestado sa Alicia

174

Alicia, Isabela – Matagumpay na naaresto kahapon, Pebrero 9, ang dalawang lalaking pawang wanted sa sa batas sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis sa barangay Magsaysay at Aurora, Alicia, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Alicia sa RMN Cauayan News Team, unang nahuli sa barangay Magsaysay dakong ala una singkwenta ng hapon si Jacinto Rodolfo, 57 anyos, isang magsasaka at residente ng barangay MH del Pilar,Alicia.


Nahuli si Rodolfo sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Falsification of Public Documents na ipinalabas ni Hon. Jeffrey J. Cabasal, presiding Judge ng MTC Ilagan City.

Samantala nadakip naman ganap alas kwatro ng hapon si Enriquito Grajo,48 anyos, tricycle driver at residente ng Aurora, Alicia,Isabela matapos magpalabas ni Hon. Bonifacio T. Ong presiding judge ng RTC Echague, Isabela, ng warrant of arrest sa kasong pagnanakaw

Kasalukuyang hawak na ng PNP Alicia ang dalawang suspek para sumailalim sa kaukulang disposisyon ng pulisya.

Facebook Comments