Magsasaka, Sugatan Matapos Mabaril!

85

Tuguegarao City, Cagayan – Kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa Cagayan Valley Medical Center ang isang magsasakang biktima ng pamamaril pasado alas tress ngayong umaga, Pebrero 10, 2018 sa Maharlika Highway, Tanza.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Clamensia, 45 anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng Barangay Rizal, Kalinga.


READ: Salpukan ng Traysikel at Toyota Hilux, Tatlo Patay

Batay sa report na nakalap ng RMN Cauayan News Team, binabagtas umano ni Clamensia ang kahabaan ng nasabing lansangan sakay ang kanyang motorsiklo kasama ang kanyang kaibigan ng bigla itong barilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima at sa halip na isugod ng kanyang kaibigan sa pagamutan ay tinakbuhan ito dala ng takot na madamay.

READ: Dalawang Lalaki, Huli sa Buy Bust Operation ng PNP Santiago City!



Batay naman sa pagsusuri ng doktor, maliban sa sugat na tinamo mula sa pamamaril, positibo rin umano sa alak ang biktima.


Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang bala ng kalibre 45 at kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo ng suspek sa naganap na pamamaril.

Facebook Comments