DALAWANG WANTED SA MAGKAIBANG KASO, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON SA PANGASINAN

Dalawang lalaking wanted sa batas ang matagumpay na naaresto ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa mga bayan ng Pozorrubio at Villasis, Pangasinan.

Unang naaresto sa Pozorrubio ang isang 19-anyos na lalaki, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape Walang piyansang inirekomenda para sa kanyang kaso.

Kasalukuyan na siyang nasa kustodiya ng Pozorrubio MPS para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, naaresto rin ng Villasis Municipal Police Station ang isang 27-anyos na lalaki mula sa Villasis, Pangasinan.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa SSS Law at may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P144,000.00.

Hawak na rin ng Villasis PNP ang akusado para sa pormal na proseso ng kaso.

Ang dalawang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga wanted persons sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments