Dalawang weather system, nakakaapekto sa bansa ngayong araw

Manila, Philippines – Malamig na umiihip pa rin ang hanging amihan sa dulong hilagang Luzon.

Apektado naman ng tail end of cold front ang Eastern at Central Luzon.

Maaliwalas ang panahon sa mga planong magsimbang gabi sa M*anaoag Church* sa Pangasinan habang mayroong isolated thunderstorms sa Cagayan, Isabela at Aurora provinces.


Magtampisaw sa *Tamaraw Falls* sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at sa *Estrella Falls*, sa Narra, Palawan dahil maganda ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Tuklasin ang mga stalactites at stalagmites sa *Cantabon Cave*, Siquijor dahil maaliwalas ang panahon sa buong Visayas.

Mabighani sa tanawin habang nasa tuktok ng *Bundok Apo* sa Digos, Davao del Sur dahil maaliwalas din ang panahon sa buong Mindanao maliban sa isolated thunderstorms.

*Metro Manila – 26°c*
*Cebu City – 26°c*
*Davao City – 23 °c*

Facebook Comments