Dalawang Weather System, Pinaghahandaan ng Isabela

Ilagan, Isabela – Agarang nagsagawa ng pulong ang Isabela Provincial Risk Reduction and Management Council kaninang umaga, Setyembre 11, 2017, upang ilatag ang kahandaan sa sabayang sama ng panahon na pumasok sa bansa.

Sa pulong na dinaluhan din ng RMN Cauayan News Team ay pinag usapan ang mga ibat ibang kailangang gawin kaugnay sa Tropical Depression Maring at Tropical Storm Lanie.

Magugunitang si Lanie na may international name na Talim ay pumasok sa PAR kaninang 2:00 ng hapon samantalang si Lanie na naging isang Tropical Depression ay pumasok din sa PAR kaninang 3:00 ng hapon, Setyembre 11, 2017.


Kasama sa mga pinagusapan ay ang maayos na pagpapakalat ng pabatid sa mamamayan lalo na at may ipinakalat na fake news tungkol sa hindi totoong suspensiyon ng klase noong nakaraang linggo dahil sa bagyong Kiko, imbak na mga food packs, kalagayan ng mga evacuation centers, posibleng ulan na mararanasan ng lalawigan na nakakonekta sa pagpalabas ng tubig sa Magat Dam at ang paparating na ebalwasyon sa buwan ng Oktubre ng Gawad Kalasag sa lalawigan.

Sa ngayon ay nakapagpalabas na ng hiwalay na Severe Bulletin Number 1 ang Isabela PDRRMC para kina Bagyong Lannie at Typhoon Maring na ipinabatid na sa mga mamamayan ng Isabela.

Facebook Comments