Dallas Mavericks, hindi pinalusot ang Lakers sa kanilang NBA bubble debut exhibition

Hindi umobra ang magandang laro ng Los Angeles Lakers kontra Dallas Mavericks sa kanilang unang scrimmage debut sa Disney World sa Orlando, Florida.

Tinalo ng Mavericks ang Lakers sa score na 104-108.

Sa unang scrimmage, umiskor si Lebron James ng 12 points, five assists at tatlong rebounds.


Maganda rin ang naging laro ng bagong recruit na si Dion Waiters sa kaniyang debut game sa Lakers na umiskor ng nine points.

Gayunman, si Seth Curry ang nagdala sa Dallas nang mai-shoot ang anim mula sa 3-point attempts.

Samantala, sa July 31, 2020, araw sa Pilipinas, magsisimula na ang pagbabalik ng National Basketball Association (NBA) games.

Facebook Comments