Kaso ng COVID-19 cases sa bansa, pumalo na sa 76,444

Umabot na sa 76,444 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay makaraang maitala ngayong araw ang 2,103 na dagdag na kaso kung saan 1,029 ang fresh cases habang 1,074 late cases.

Sa total number of cases, 50,063 ang aktibong kaso.


Nakapagtala naman ng 144 na bagong recoveries kaya umabot na ito sa 24,502.

Habang nadagdagan ng 15 ang bilang ng nasawi na mayroon ng kabuuang 1,879.

Samantala, labing-anim (16) na bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa mga Filipino sa ibang bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 9,208 ang mga tinamaan ng virus, 5,387 ang overseas Filipinos na nakarekober habang 647 ang mga pumanaw.

Facebook Comments