Dallas Mavericks, naitabla sa 1-1 ang serye kontra Clippers sa game 2 ng NBA playoffs

42

Nakabawi ang Dallas Mavericks para maitabla sa 1-1 ang serye kontra Los Angeles Clippers sa Western Conference playoffs.

Bumida para sa Dallas si Luka Doncic na may 28 points habang nag-ambag ng 23 puntos si Kristaps Porzingis.


Gumawa naman ng 35 points at 10 rebounds si Kawhi Leonard habang inalat si Paul George sa kaniyang 14 points para sa Clippers.

Nabatid na ito na ang unang panalo ng Dallas sa playoffs mula noong 2016.

Muli namang maghaharap ang dalawang koponan sa Sabado para sa game 3.

Facebook Comments