Pag-realign ng budget ng mga lokal na pamahalaan sa Cataingan, Masbate na naapektuhan ng magnitude 6.6 na lindol, iminungkahi ng DILG

Maaaring mag-realign ng budget ang mga lokal na pamahalaan sa Cataingan, Masbate na naapektuhan ng magnitude 6.6 na lindol.

Ito ang iminungkahi ni Department of the Interior at Local Government (DILG) Spokesman at Usec. Jonathan Malaya matapos umabot sa 23.96 milyong piso ang pinsalang iniwan ng lindol sa lalawigan.

Ayon kay Malaya, bubusisiin ng DILG kung nagamit na ng Cataingan ang kanilang calamity fund.


Bukod sa realigning ng budget, maaari ring umapela ang Cataingan ng tulong mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Facebook Comments