Daloy ng mga sasakyan sa SLEX, NLEX at SCTEX, maluwag pa rin

Banayad o maluwag pa rin ang daloy ng mga sasakyan sa mga expressway papasok at palabas ng Metro Manila.

Sa kabila ito ng babalang pagbigat ng daloy ng trapiko dahil sa inaasahang pagbabalikan ng mga umuwi sa probinsya para sa long weekend at Undas.

Ayon kay Robin Ignacio, Traffic Senior Manager ng North Luzon Expressway (NLEX), posibleng marami na ang bumalik kahapon kung saan naobserbahan nila ang mataas na volume ng mga sasakyan dakong alas-4:00 ng hapon hanggang alas-11:00 kagabi.


Bukod diyan, marami rin kasi ang nagkansela ng bakasyon dahil sa malakas na pag-ulan noon pa lamang Biyernes bunsod ng Bagyong Paeng.

Samantala, light traffic lang din ang nararanasan ngayon sa South Luzon Expressway at sa Subic-Clark-Tarlac Expressway.

Facebook Comments