Kapatid ni Percy Lapid, muling nagtungo sa DOJ

Muling nagtungo ngayong araw na sa Department of Justice (DOJ) si Roy Mabasa, ang kapatid ng pinaslang na radio broadcaster na si Percy Lapid

Personal na makikipagpulong si Mabasa kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sa nasabing pulong, bibigyan ng briefing ni Remulla ang pamilya Mabasa hinggil sa development ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Ka Percy.


Kabilang na rito ang hinggil sa kasong isasampa ng DOJ sa korte laban sa mga natukoy na suspek sa Percy Lapid killing.

Facebook Comments