Daloy ng Trapiko sa City of Ilagan, Mas Maluwag Ngayong Bambanti 2020!

Cauayan City, Isabela- Bagamat patuloy ang pagdagsa ng mga manonood at turista sa Lungsod ng Ilagan upang saksihan ang mga aktibidades sa Bambanti Festival ay mas maluwag pa rin ang mga daanan kumpara noong nakaraang taon.

Ito ang sinabi ni Ginoong Romy Santos, ang media consultant ng pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Aniya, may kabagalan ang pag-usad ng mga sasakyan subalit tuloy-tuloy pa rin ang daloy ng trapiko.


Ito ay sa pagtutulungan na rin aniya ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na pinangunahan ng Provincial Public Safety Office ni Atty. Juato Foronda at Retired General Jimmy Rivera katuwang ang Provincial Security Group (PSG), PNP, AFP at mga Rescuers.

Mayroon na rin aniyang mas maayos na parking upang lalong maisagawa ng maayos ang mga aktibidades.

Facebook Comments