Kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa local positions sa lungsod ng Dagupan, naging mabigat ang daloy ng trapiko.
Idinaan ng mga tumatakbo sa pagka alkalde at konsehal ang unang araw ng pangangampanya sa pamamagitan ng motorcade.
Bitbit ang kani-kanilang mga tagasuporta ala syete pa lamang ng umaga ng suyurin ng mga ito ang 31 barangay dahilan upang bumigat ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.
May mga kandidato ring hindi alintana ang init ng panahon matapos mag-ikot ng alas dose ng tanghali sa downtown area.
Ilang commuter din ang nalate sa kanilang trabaho dahil sa pagkahaba-habang motorcade ng mga kandidato sa local positions.
Sa kabila nang pagpapaalala ng COMELEC at PNP sa mga kandidato na sumunod sa public health standard , makikitang ilan sa mga ito ang walang suot na face mask.
Samantala, bumuo ng monitoring team ang COMELEC upang mabantayan ang galaw ng mga kandidato sa pagsisimula ng local campaign period. | ifmnews
Facebook Comments