Taal Volcano Island at sa mga high risk barangay sa bayan Agoncillo at Laurel sa Batangas, pinalilikas na kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal

Photo Courtesy: PHIVOLCS-DOST

Inirekomenda na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagsasagawa ng evacuation sa Taal Volcano island at sa mga high risk barangay sa bayan Agoncillo at Laurel sa Batangas.

Kasunod na rin ito ng pagtaas sa Alert Level 3 ng bulkang taal dahil sa pagsabog nito kaninang umaga.

Ayon kay PHIVOLCS Director Usec. Renato Solidum, hindi naman lumalaki ang pagsabog pero ito ay nagpapatuloy simula pa kaninang alas-7:30 ng umaga.


Sa ngayon ay tanging sa Taal Volcano island pa lamang ang nakikitaan ng ashfall.

Facebook Comments