Daloy ng Trapiko sa Indiana Bridge ng Bambang, Nueva Vizcaya, Balik Normal Na!

*Nueva Vizcaya- *Pwede nang daanan ng anumang sasakyan ang Indiana Bridge ng Maharlika Highway sa bahagi ng Bambang, Nueva Vizcaya matapos maisara mula alas singko ng hapon hanggang alas onse ng kagabi, Agosto 24, 2018 dahil sa bridge beam installation sa naturang tulay.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginoong Banjo Moscoso, ang pinuno ng Deltacom ng isang radio group sa Dalton Pass, Nueva Vizcaya na pinahinto muna ang mga malalaking sasakyan sa bahagi ng Bambang habang ang mga bus at maliliit na sasakyan naman ay pinadaan muna via Dupax hanggang sa Aritao.

Aniya, hindi umano agad nag-abiso sa mga otoridad ang mga contractor ng naturang tulay kaya’t nabigla rin umano ang mga motorista at biyahero at huli rin umanong naipaalam sa PNP Bambang.


Kaugnay nito ay may mga traffic enforcer’s umano ang itinalaga upang magbigay ng paalala sa mga motorista kaugnay sa pansamantalang pagsasara ng Indiana Bridge sa naturang lugar.

Samantala, pinarangalan din ng Police Regional Office 2 ang Deltacom radio group dahil sa kanilang boluntaryong pakikipagtulungan sa mga kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar.

Facebook Comments