DALOY NG TRAPIKO SA KASAGSAGAN NG SIMBANG GABI, NAPANATILING MAAYOS, AYON SA POSO MANGALDAN

Naging maayos ang pangkalahatang pagdaos ng siyam na araw ng simbang gabi at misa de gallo sa Mangaldan, partikular sa pagsunod sa batas trapiko.

Ayon sa panayam ng IFM Dagupan, ipinahayag ng Public Order and Safety Office (POSO) Mangaldan ang naging bunga ng heightened security status operation sa bayan.

Aniya, isinasara ang maliit na bahagi ng kalsada sa Rizal Avenue tuwing simbang gabi at misa de gallo para sa kaligtasan at kaayusan ng mga dumadalo.

Bilang resulta, maayos ang naitalang pangkalahatang daloy ng trapiko ng POSO Mangaldan. Gayumpaman, magpapatuloy parin ang kanilang operasyon hanggang sa pagsapit ng bagong taon.

Muli namang nagpaalala ang ahensya sa publiko ukol sa mga dapat gawin ngayong kapaskuhan at sa pagsapit ng bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments