Cauayan City, Isabela- Puspusan na ang isinasagawang paghahanda at pangangasiwa ng Public Order Safety Division o mga POSD Personnel dito sa Lungsod ng Cauayan lalo na ngayong araw ng pasukan.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Deputy Chief Antonio De Luna Jr. ng POSD Cauayan City sa RMN Cauayan kung saan nagkaroon na umano ng pagbabago sa Entrance at Exit sa may parte ng pampublikong palengke at magsisilbing entrance na ng mga motorista ang Consuelo habang ang Exit naman ay sa Subido Street na.
Ayon pa kay Deputy Chief De Luna Jr., inoobserbahan pa lamang nila ang kanilang ginawang pagbabago kung mas maayos ang daloy ng trapiko papasok at palabas ng palengke kumpara sa dati.
Inihayag din ni Deputy Chief De Luna Jr. na naging maayos naman umano ang naging daloy ng trapiko dito sa lungsod ng Cauayan katuwang ang mga PNP at Isabela Anti-Crime Task Force personnel upang panatilihin ang maayos na daloy ng trapiko at pagbabantay na rin sa mga paaralan.
Samantala, Marami pa rin umano ang mga pasaway na motorista lalo na umano sa mga tricycle drayber na nangungunang lumalabag sa batas trapiko.