Daloy ng trapiko sa Makati, nagsikip dahil sa nasirang safety net sa ginagawang condominium

Manila, Philippines – Nakaranas ng matinding pagsikip ng daloy ng trapiko ang mga motorista papunta sa business district ng Makati City.

Nabatid kasi na nasira ang safety net ng ginagawang condominium sa Legazpi kanto ng Dela Rosa Street kaya’t kailangan ikordon ang paligid para sa imbestigasyon.

Napag-alamang walang mga butas o lagusan ang tubig sa safety net na itinayo para saluhin ang mga debris mula sa tinatayong Kroma Tower, isang residential condominium.


Dahil dito sumadsad hanggang sa ilang dipa mula sa mismong kalsada ang parte ng safety net at tumabingi na rin ang mga bakal na support kung saan wala naman nasaktan sa nasabing insidente.

Ang motoristang papunta ng Makati Medical Center mula sa parte ng Greenbelt ay pinaliliko na muna sa Bolanos Street para lumabas ng Salcedo papunta sa nabanggit na ospital.
DZXL558

Facebook Comments