15-anyos na dalagita, sugatan matapos mahagip ng tren ng PNR sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang isang 15-anyos na babae matapos na mahagip ng tren ng Philippine National Railway (PNR) sa Tondo, Manila.

Sa ulat, hindi daw napansin ng hindi pa nakikilalang biktima ang tren ng tumawid ito sa riles kung saan nahagip ito saka tumilapon at nawalan ng malay.

Himala naman nakaligtas ang biktima at nagtamo lamang ito ng galos at sugat sa kaniyang katawan.


Nabatid na kaya hindi napansin ng dalagita ang tren dahil may suot-suot itong headset.

Facebook Comments