DALOY NG TRAPIKO SA MGA KALSADANG NASA ILALIM PA NG ROAD ELEVATION, PATULOY NA TINUTUTUKAN NG POSO DAGUPAN

Patuloy na tinututukan ng Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan ang daloy ng trapiko sa mga kalsadang sa lungsod na nasa ilalim pa rin ng konstruksyon.
Ayon kay POSO Dagupan Chief Arvin Decano, mahigpit umano sila sa pagpapatupad ng mga batas trapiko at pagbibigay abiso sa mga motorista ukol sa mga isinasagawang kalsada.
Mahabang pasensya rin umano ang kinakailangan dahil hindi umano maiiwasan ang mabagal na usad ng trapiko lalo sa mga bahaging isinasaayos.
Hinihingi din nito ang kooperasyon ng mga motorista at pedestrian sa pagsunod sa mga batas trapiko upang mas maging maayos at maaliwalas ang kakalsadahan sa lungsod at maiwasan ang mga aksidente.
Sa ngayon, hinihintay na lamang umano ang kontraktor upang maumpisahan na ang paglalagay ng mga pedestrian lane sa kalsada.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments