Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang kanlurang bahagi ng Cagayan kaninang alas-12:32 ng tanghali.
Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang episentro ng lindol 26 km North West ng Dalupiri, sa Calayan, Cagayan.
May lalim itong 4 km at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naramdaman ang Intensity 3 sa Dalupiri Island (Calayan) at Calayan, Cagayan.
Intensity 2 – Bangui, Ilocos Norte.
Instrumental Intensity 1 ang naramdaman sa Claveria, Cagayan.
Wala namang inaasahang aftershocks sa nangyaring pagyanig.
Facebook Comments